"Bakit ba manghuhusga ang mga tao sa kapwa?"
Tayong lahat ay hindi perpekto kaya
ang mga tao ay manghuhusga kahit hindi naman kailangan. Akala ng ibang tao pwede
lang manghuhusga kahit sino sino pero para sa akin ang panghuhusga ay maka sira
ng tao. Hindi naman ako magpapaganap na innocente dahil isa ako sa mga tao na
nanghuhusga sa ibang tao sapagkat may limitasyon ako. Manghuhusga ako sa
dalawang dahilan dahil may ginagawa siyang mali o mabuti.
Magsisimula ako sa mali tayong
lahat may mga desisyon na hindi naman tama. At alam naman natin lahat na kapag
may maling ginawa ang isang tao ay maraming tao ang nakakita ngunit kapag
mabuti yan konti lang ang makapansin. Isa ako sa mga tao na nakapansin sa mga
mali ng iba ngunit hindi ko mapansin ang aking mali. Dahil sa iyan, nagsisimula
ang panghuhusga at lumalaki ang aking ulo (mayabang na ako). Hindi lang ako ang
nakakaranas ng ganito ngunit tayong lahat. Ang mga taong manghuhusga ay akala
nila perpekto sila sapagkat hindi naman. Isa rin akong biktima, makasira ito ng
tao dahil ang biktima ay magkaroon ng "insecurities" sa kanyang
sarili. Sila ay gumagawa ng mga kilos na akala nila mabuti para sa kanila
ngunit ito ay lumalala sa kanyang pakiramdam. Tumatanim ito ng inggit, pagselos
at galit dahil akala ng biktima siya ay nasa pinakababa sa lahat ng tao. Kahit
na tayong lahat ang biktima o ang nagsisimula ng ganito tayo parin ang
nagpapaliit sa ating sarili. Pero kahit na alam na natin kung gaano kasakit,
bakit manghuhusga pa tayo? Dahil alam natin na mayroon siya o sila ng mga bagay
na wala tayo, o sa maikling kwento, tayo ay nag selos o insecure tayo. Sa huli
mabuti kahit gaano ka mabuti ang ginagawa sa isang tao kapag may ginawa siyang
mali ang mali na iyon ay nakatatak sa pangalan niya. Kaya tayo parin ang
sumisira ng buhay sa isang tao at ang sariling buhay natin.
Ang mundo ay palaging uniikot kaya
hindi natin alam kung ano ang mangyayari. Kahit ano ano man ang mangyayari
dapat palagi tayong handa at dapat hindi tayo tumatanim ng galit sa ibang tao.
Hindi tayo perpekto, walang taong perpekto kaya dapat hindi tayo manghuhusga ng
ibang tao o kumakalat ng mga rumors dahil kapag tayo ang mabiktima, alam na
natin kung ano ang ating mararanasan.
No comments:
Post a Comment